Aabot sa 120,000 rehistradong mga botante na napatunayang dalawang beses o maraming beses na nagparehistro ang maaaring maharap sa mga kasong election offense.
Ayon kay Comelec spokesman John Rex Laudiangco, batay sa kanilang data nakapag-detect ang Automated Fingerprint Identification System (AFIS) ng nasa 118,178 botante na nagpatala ng maraming beses.
Kung kayat hindi lamang kailangang burahin ang aplikasyon ng bagong registration kundi higit sa lahat dapat na magkaroon ng imbestigasyon kung ito ay sinadya.
Iginiit ng Comelec official na sasampahan ng paglabag sa Voter’s Registration Act of 1996 sa oras na may makitang probable cause.
Maghahain aniya ng criminal information sa Regional Trial Court na siyang may hurisdiksiyon sa mga siyudad at munisipalidad kung saan nagawa ang paglabag.
Ang natuklasang multiple registrants at parte ng 491,017 double/multiple registrants na nadetect sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System sa nagpapatuloy na evaluation ng listahan ng mga botante.