-- Advertisements --

Nasa kabuuang 119,175 o 92.18% na persons deprived of liberty (PDLs) na nakakulong sa mga selda na minamandohan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Superintended Xavier Solda, ang mga naghihintay ng kanilang second dose ay nasa 6.54%, habang nasa 6,215 o 4.81% ang hindi pa nabakunahan.

Sinabi ni Solda na ang mga hindi nabakunahan na mga inmates ay isasama na sa upcoming vaccination ng Department of Health (DOH).

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng BJMP sa mga local government units para isama ang mga PDLs sa kanilang LGUs vaccine allocation.

Binigyang-diin ni Solda na simula nag umpisa ang Covid-19 pandemic, ang BJMP ay nakapagtala ng 5,019 cases sa mga PDL.

Sa nasabing bilang, 4,886 dito ang fully recovered sa sakit, 54 ang nasawi, at siyam ang nananatiling active cases sa ngayon.

Dagdag pa ni Solda sa kabila na mababa ang Covid-19 cases sa mga PDLs, strikto pa rin ipinatutupad ng BJMP ang minimum public health standard sa kanilang mga jail facilities sa buong bansa.