Aabot sa halos 10,000 job order sa Singapore ang nag-aantay para sa mga manggagawang Pilipino.
Ito ay matapos na aprubahan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang nasabing job order.
Ayon sa a Department of Migrant Workers (DMW), magbibigay ito ng magandang oportunidad sa trabaho para sa ating mga kababayang overseas filipino workers.
Sinabi pa ni DMW Sec. Susan Ople, na bago pa ang pagbisita ng Pangulong Bongbong Marcos, inaprubahan na ng labor office sa Singapore ang nasabing bilang ng job orders kung saan nasa 5,000 trabaho ang bakante para sa aircraft technicians sa aviation industry.
Liban pa dito, inaprubahan na rin ang job orders mula sa mga Singaporean employers sa Medical industry na nangangailangan ng 3,000 healthcare workers,1,000 skilled workers sa Engineering industry, 500 workers sa Education industry at 300 workers naman sa I.T. sector.