-- Advertisements --

Aabot sa 99 mamamahayag ang napatay noong 2023 dahil sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nasa 77 dito na journalists ay napatay sa Gaza war kung saan 72 ay mga Palestino, 3 lebanese at 2 Israelis.

Ang 2023 ang itinuturing na deadliest para sa industriya ng media na tumututok sa nangyayaring giyera sa nakalipas na isang dekada ayon sa Committee to Protect Jornalists.

Ayon sa komite, ang pagpatay sa mga reporter ay bumaba sa buong mundo kada taon at naging stable ang fatalities sa Somalia at maging sa Pilipinas maliban na lamang ng sumiklab ang conflict sa pagitan ng Hamas at Israel.

Ayon pa kay CPJ chief executive Jodie Ginsberg, ang malaking bilang ng nasawing mga mamamahayag na Palestino dahil sa giyera ay may matagalang epekto sa industriya ng journalism hindi lamang sa Palestinian territories kundi maging sa buong rehiyon.

Ang naturang death toll naman sa mga mamamahayag noong 2023 ang itinuturing na pinakamataas simula noong 2015 at tumaas pa ng halos 44% mula noong 2022.

Top