-- Advertisements --

Ibinunyag ni Teresita Ang See ng Philippine Association of Chinese Studies, na halos 100,000 Chinese POGO workers na ang nabakunahan ng pangontra sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sinasabing nag-umpisa ang pagbabakuna ng Chinese POGO workers noong Nobyembre 2020.

Ang nangyari umano ay isang bagsakan lamang na 200,000 doses.

Ayon kay Ang-See sa kalagitnaan ng Disyembre natapos yung mabilisang pagtuturok sa mga ito.

Nabatid na idinaan sa official channels ang bakuna kontra COVID-19 na ibinigay sa Chinese POGO workers.