-- Advertisements --
Ipinagpaliban ni New Zealand prime minister Jacinda Ardern ang kanilang halalan dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa halip na isagawa ang halalan sa Setyembre 19, iniurong ito ni Ardern sa Oktubre 17.
Ayon kay Ardern, pagkakataon na rin ito para sa iba’t ibang partido na makapaghanda sa sitwasyon.
Nilinaw naman nito na wala siyang intensyon na palawigin pa ang delay na ito sa kanilang halalan.
Kamakailan lang ay muling isinailalim sa lockdown ang Auckland, na siyang pinakamalaking lungsod sa bansa.
Sa ngayon ay 58 na ang COVID-19 active cases sa Auckland matapos na madagdagan ito ngayong araw ng siyam na kaso.