-- Advertisements --
HALAL market bolst global

Inaasahang lalo pang lalakas ang Halal industry sa Pilipinas dahil sa pagpasok ng isang Malaysian

Una kasi rito ay pumirma ang Mindanao State University (MSU) at isang Malaysian firm ng isang Memorandum of Understanding para sa pangmatagalang pagtutulungan para mapalakas ang Halal Industry.

Partikular na magiging pokus dito ay ang pagpapalawak sa naturang industriya sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao, hanggang sa iba pang bahagi ng bansa.

Ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng mga muslim na makakuha o makabili ng mga produkto na hindi taliwas sa kanilang paniniwala at pananampalataya.

Kabilang sa mga magsisilbing pokus dito ay ang pagpapalago ng Halal practices, at pagpapalago sa mga kumpanya o mga enterprise na nakatutok sa Halal industry

Kasama rin sa mga nais matutukan ay ang training, student immersion programs, at mga research na inaasahang magpapaunlad sa Halal.