Umabot na sa P111Million ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Pamahalaan para sa mga lumikas na residente ng Albay na apektado sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Civil Defense Deputy Spokesperson Diego MAriano, ang nasabing halaga ay kinabibilangan ng mga hygiene kits, family kits, medical kits, mga pagkain, at marami pang iba.
Ang nasabing halaga aniya ay mula na sa pinagsamang effort ng local national government at mga local government units.
Tiniyak naman ng opisyal, na magpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng pamahalaan ng mga tulong, mapa-pinansyal man o iba pang uri ng ayuda, para sa mga apektadong residente, hanggang sa matapos ang pag-alburuto ng bulkan.
Sa kasalukuyan, mayroon pa ring mahigit 5,300 na mga pamilyang nananatili sa mga evacuation center sa buong Albay.