-- Advertisements --
image 144

Umabot na sa P55.3million ang kabuuang halaga ng tulong na naibigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga biktima ng magkakasunod na kalamidad sa bansa.

Kinabibilangan ito ng Bagyong Goring, Hanna, at ang nagpapatuloy na Hanging Habagat.

Ayon sa DSWD, ang naturang ayuda ay nahati-hati sa mahigit 2,000 mga apektadong brgy mula sa sampung rehiyon.

Ang naturang tulong ay binubuo naman ng mga family food packs, non-food items, at iba pang uti ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Sa kasalukuyan, batay sa monitoring ng ahensiya, mayroon pa ring 846 na pamilya na pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center, dahil pa rin sa pagpapatuloy ng mga malalakas na pag-ulan.