Iniulat ng National Electrification Administration (NEA) na pumapalo na sa P3,142,720.91 ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng electric cooperatives dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Sa datos noong Hulyo 25, sinabi ng NEA na naitala ang pinsala sa Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO), Benguet Electric Cooperative (BENECO), Mountain Province Electric Cooperative (MOPRECO), Zambales II Electric Cooperative (ZAMECO II), at Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO).
Nakaapektuhan naman ang nasa 114, 565 na konsyumer.
Samantala, nasa 236 na munisipalidad mula sa 287 o 82.23% na naapektuhan ng power interruptions ay naibalik na habang 34 ang bahagyang naibalik na.
Nakakaranas naman ng partial power interruption ang 9 na electirc cooperatives kabilang ang Central Pangasinan Electric Cooperative,
Ilocos Norte Electric Cooperative, Benguet Electric Cooperative, Mountain Province Electric Cooperative, Abra Electric Cooperative, Zambales II Electric Cooperative, Peninsula Electric Cooperative, Tarlac I Electric Cooperative at Occidental Mindoro Electric Cooperative.