Umabot na sa P147.3 milyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa naitalang pag-ulan sa Eastern Visayas, Western Visayas at Bicol noong unang bahagi ng linggo.
Sinabi ng Department of Agriculture na ang initial assessment ng mga tanggapan ng DA sa tatlong rehiyon ay nagpakita na 6,486 magsasaka ang naapektuhan, na may pagkawala ng produksyon na 4,980 metriko tonelada.
Hindi bababa sa 7,415 ektarya ng lupang pang-agrikultura ang nasira dahil sa sama ng panahon.
Kabilang sa mga apektadong bilihin ang palay, mais, mga high-value crops at mga alagang hayop.
Pahayag ng DA na P50 milyon ang inilaan sa ilalim ng survival and recovery loan program ng Agricultural Credit Policy Council.
Ang mga apektadong magsasaka ay maaaring mag-avail ng P25,0000 na mga pautang na babayaran sa loob ng tatlong taon.
Una nang sinabi ng DA na ang Quick Response Fund ay gagamitin din para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar na dulot ng sama ng panahon.