Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot na sa P47.3 million ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pagbaha dulot ng shear line sa Eastern Visayas.
Apektado ang mga commodities gaya ng bigas, high-value crops, root crops, saging at livestock.
Mula sa 143 bayan at lungsod sa rehiyon, nasa 11 mga munisipalidad ang nakapagsumite ng kanilang ulat sa pinsalang idinulot ng masamang lagay ng panahon.
Ito ay sa San Jorge at Calbayog sa Samar, Dolores, Jipapad at Maydolong sa Eastern Samar; at Lope de Vega, Catarman, Palapag, Las Navas, Allen at San Roque sa Northern Samar.
Kaugnay nito apektado ang 1,877 magsasaka, 2,604 indibdiwal at 1,941 ektarya ng pananim.
Apekatdo din ng malakas na pag-ulan ang isla ng Samar habang nakaranas naman ng matinding pagbaha ang northern at eastern Samar provinces.
May pinakamalaking naitalang pinsala sa agrikultura ang rice areas sa Northern Samar na nasa 1,707.5 ektarya at 1,727 naman ang mga benepisyaryong magsasaka ang apektado.