Sumadsad ang cargo vessel sa sea wall ng SM Mall of Asia, Pasay City, sa kasagsagan ng buhos ng hangin at ulan ni bagyong Ulysses sa Metro Manila.
Just In: Dahil sa lakas ng hangin at alon na dala ng Bagyong #UlyssesPH isang cargo vessel ang sumadsad sa Joggers walk…
Posted by Mayor Emi Calixto-Rubiano on Wednesday, November 11, 2020
Batay sa online post ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, makikita ang pagdikit ng isang Peter Ronna vessel sa sea wall na katabi lang ng joggers walk ng nasabing mall.
“Dahil sa lakas ng hangin at alon na dala ng Bagyong #UlyssesPH isang cargo vessel ang sumadsad sa Joggers walk Sea Wall ng SM Mall of Asia,” ayon sa mayor.
May mga basura na ring nagkalat sa paligid matapos iluwa ng alon ng Manila bay.
Ayon sa alkalde, nakikipag-coordinate na ang kanyang opisina sa Philippine Coast Guard para maayos ang sitwasyon.
“Nakikipag coordinate na ang ating mga ahensya sa Philippine Coast Guard.”
Nitong Miyerkules ng gabi nang mapaulat ang pagsadsad din ng isang barko sa tulay na bahagi ng C-4 sa Navotas City.