-- Advertisements --

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagtugon sa malaking problemang iniwan ng habagat nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal sa panayam ng Bombo Radyo, umabot sa 22,693 ang nagsilikas mula sa kanilang mga bahay na naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa.

Nanggaling ang mga ito sa 212 barangays sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Nakapagtala rin ng 24 landslide incidents mula sa Region 1, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera at Region 6.

Habang malawakang baha rin ang naranasan sa Metro Manila, lalo na sa low lying areas.

Ayon kay Timbal, hangga’t baha pa sa mga lugar na itinuturing na high risk, papahintulutan ang mga residente na manatili sa evacuation areas at bibigyan sila ng relief supplies.