-- Advertisements --

Maari na ulit magbukas at bumalik sa kanilang operasyon ang mga gyms, establisiyemtong nag-aalok ng personal grooming services at tutorial centers sa darating na Martes, Setyembre 1, sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez.

Mababatid na kamakailan lang ay ipinagbawal ang operasyon ng mga negosyong ito kabilang na ang mga drive-in cinemas at internet cafes sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ status.

Sa ngayon, ipinauubaya na sa mga local government units ang pagtukoy sa operations capacity ng mga estabilisiyementong ito kabilang na ang mga dine-in restaurants at barbershops.