-- Advertisements --
image 477

Iniimbestigahan na ngayon ng Department of Education Eastern Visayas ang isang guro sa isang paaralan sa Leyte matapos makuhanan ng video nang pananakit sa kanyang mga estudyante gamit ang walis tingting habang naka-squat ang mga ito.

Ang mga estudyante ay mula sa Burabod Elementary School sa Burauen, Leyte.

Makikita sa video na ibinahagi ng isang kamag-anak ng isa sa mga estudyante, ang mga bata na naka-squat malapit sa dingding habang umiikot ang guro para hampasin sila ng walis.

Ipinatawag na ng Department of Education (DepEd) sa Eastern Visayas ang school head at ang gurong sangkot sa insidente.

Sinabi rin ng DepEd na kinukundena nito ang anumang uri ng pang-aabuso, diskriminasyon, o pambu-bully na ginagawa sa mga estudyante.