-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang malawakang imbestigasyon sa Loreto Municipal Police Station upang malaman ang kabuoang panyayari matapos kalansay ng natagpuan ang isang guro sa Loreto Agusan del Sur na iilang lingo nang missing.

Natagpuan ang bangkay ni Cynthia Gener Dubluis 26-anyos, dalaga at nagtuturo Paciencia Elementary School sa Brgy. San Vicente, Loreto, Agusan del Sur nitong Sabado ng hapon.

Kaugnay sa report, ipinaabot kaagad sa Loreto MPS ni San Vicente Barangay Captain Esmeraldo matapos itong nakakita ng bangkay habang ito ay nasa kaniyang Palm Oil Farm.

Positibong kinilala ang biktima sa pamilya nito base na rin sa damit nito noong araw na huli itong nakita.

Narekober sa mga otoridad ang isang kutsilyo na nakita sa crime scene.

Matatandaang, noong Enero 16, 2020 ng nai-blooter ang pagkawala ng guro kung saan nagbigay na ng reward ang Lokal na pamahalaan ng Loreto na aabot sa 100,000 sa makapagbigay ng impormasyon kay Dubluis.