-- Advertisements --

NAGA CITY- Arestado ang isang public teacher at itinuturing na High Value Individual (HVI) pagdating sa illegal na droga sa Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Melvin Bumanglag, 48-anyos, residente ng Zone 2 Brgy Tagontong sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Goa Municipal Police Station, napag-alaman na una ng nagsagawa ng search and seizure operation ang mga otoridad sa lugar ng suspek sa bisa ng Search Warrant na inilabas ni Hon. Ma. Angela Arroyo executive judge, RTC San Jose Camarines Sur dahil sa paglabag nito sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, nakumpiska sa suspek ang nasa walong piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nabatid na matagal na umanong kasama sa drug watch list ng mga otoridad ang nasabing suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.