-- Advertisements --
Umaabot na ngayon sa 1,000,113 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19.
Ito’y sa kabila ng wala pang natutukoy na eksaktong lunas para sa sakit na ito ang World Health Organization (WHO).
Samantala, ang mga nagpositibo naman sa nasabing sakit ay umakyat na ang bilang sa 3,219,242.
Ang 1,931,127 (97%) sa mga ito ay mayroong mild condition, habang ang 59,808 (3%) ay nasa serious o critical condition.
Habang ang mga nasawi naman ay 228,194, kung saan ang 61,656 ay nagmula sa Estados Unidos.