LAOAG CITY – Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) matapos pumutok ang gulong ng NC212i aircraft na mayroong tail number 2119.
Ayon kay Mr. Ronald Estabillo, Civil Aviation Aithority aof the Philippine o CAAP manager ng Laoag International Airport, lalapag sana ang naturang aircraft kaninang umaga ngunit pumutok ang gulong.
Dahil dito, nag-emergency procedure umano ang piloto at pinatay ang engine sa runway.
Sinabi nito na anim na katao kasama na ang piloto ngunit wala namang nasugatan sa kanila.
Kinumpirma ni Estabillo na 156 na pasahero ang na-stranded kung saan mahigit 100 sa kanilang ang connecting flight papuntang Honolulu at 76 ang inbound passengers.
Sa ngayon ay nasa runway pa ang aircraft ngunitdumating na ang spare tire na ipapalit sa pumutok na gulong ng naturang aircraft.
Samantala, ang Philippine Air Force ay mayroong NC-212i ay parehong naideliver noong 2018.