Tumugon na ang mga bansang China, South Korea at Taiwan sa hiling ng Pilipinas na tumulong sa paghahanap sa mga nawawalang Pinoy seafarer sa Japan.
Kinumpirma ang balitang ito ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III.
Pinakinggan aniya ng mga nabanggit na bansa ang panawagan ng pamilya ng 36 Filipinos seafarer na patuloy pa ring nawawala.
Una nang kinumpirma ng kalihim sa Bombo Radyo Philippines na nagpadala iyo ng sulat sa mga bansa para mas paigtingin pa ang ginagawang paghahanap sa mga biktima ng trahedya.
Magugunita na nawala ang Gulf Livestock 1 cattleship sa karagatan ng Japan noong Setyembre 2, 2020 habang kasagsagan ng Bagyong Haishen.
Hindi naman magpapadala ang Pilipinas ng sarili nitong coast guard dahil na rin sa logistical concerns at hindi rin pamilyar ang mga ito sa lugar.