Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang hatol laban sa isang blogger na nagbato ng mga akusasyong katiwalian kay Sen. Franklin Drilon.
Batay sa resolusyon ng 2nd Division, nakasaad ang paninindigan ng Kataas-taasang Hukuman sa desisyong “guilty” ng Court of Appeals (CA) sa kasong libel ni Manuel Mejorada.
Ayon sa Korte Suprema, nagawang patunayan ng prosekusyon ang mga elemento na magdidiin sa akusado sa kaso.
“It was not necessary to establish that the publication was motivated by any malice since the articles were not privileged communication or fair comments; thus, malice is presumed,” ayon sa SC.
Bigo rin umano si Mejorada na patunayang may pinagbasehang mga dokumento ang kanyang akusasyon laban sa senador.
“(Mejorad failed to) present any proof that the statements were based on established and documented facts.”
Sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court, sinintensyahan ng hanggang apat na taong pagkakakulong si Mejorada.
Kaugnay nito, ikinatuwa ng kampo ni Drilon ang desisyon ng korte.
“We welcome the High Court’s decision. I have nothing else to leave behind except my reputation, so I am grateful for this favorable decision.”