-- Advertisements --

Nakatakdang talakayin ngayong araw ng National Task Force against COVID-19 ang guidelines para mas mapabilis na ang pagpunta sa mga lugar na may iba’t ibang guidelines.

Katuwang ang iba’t ibang local government units (LGUs) ay isasapinal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang guidelines para sa pagbiyahe sa mga probinsya at malalayong LGUs sa pamamagitan ng commercial transportation ng airline, barko at mga bus.

Ayon kay NTF spokesperson Restituto Padilla, lumalabas daw kasi sa huling resolusyon kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang susunding patakaran para sa interzonal travel ay ang localized ordinances na ipinapatupad ng LGUs sa nais na destinasyon ng isang indibidwal.

Kahapon, araw ng Biyernes, nang ianunsyo ng Malacañang na papayagan na ang interzonal travel sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ areas.

Ito ay para na rin makatulong sa muling pagbangon ng ekonomiya ng iba’t ibang lungsod.