-- Advertisements --
IATF 1

Isinapubliko na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang guidelines para sa gagawing COVID-19 vaccine trials sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Resolution No. 65, inaprubahan ng IATF ang naging rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group on Vaccine Development, sa pangunguna ni Science and Technology nUndersecretary for Research and Development Rowena Guevaraa, na gumawa ng guidelines para sa vaccine trials.

Dadaan muna sa Vaccine Expert Panel ang lahat ng clinical trial applications saka naman ito susuriin ng Ethics Boards. Sa oras na matapos na nilang pag-aral ng mabuti ang bawat applications ay saka lamang ito muling susuriin ng Food and Drug Administration upang mabigyan ng heads up kung pwede ng simulan ang clinical trials.

Magtatalaga rin ang Sub-Technical Working Group on Vaccine Development ng zoning guidelines upang maiwasan ang kompetisyon sa mga sites.

Dagdag pa sa nasabing resolusyon, kailangang unahin ng mga local government units ang mga World Health Organization-backed solidarity trials kayasa sa mga independent vaccine trials.

Inaasahan kasi na pagdating ng buwan ng Oktubre ay sisimulan na ang COVID-19 vaccine clinical trial na tatagal hanggang Marso sa susunod na taon.

Una nang sinigurado ng FDA na hindi nito papayagan ang ang Phase 3 ng clinical trial sa bansa kung hindi na-review ng maayos ng regulatory and ethics boards ang mga dokumento mula Phase 1 hanggang Phase 2. Ito ay para siguraduhin na ligtas ang bakuna.