Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang House Bill No. 1 ang panukalang ” General Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act.
Layon ng panukala na magbigay ng financial assistance sa mga micro,small, and medium enterprises batay sa mga inisyatibo na ipapatupad ng Landbank, Development Bank of the Philippines, Small Business corporation at Agriculture Credit Policy Council.
Sa kabilang dako, lusot na rin sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng legal assistance sa mga officers at uniformed personnel sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, BJMP, BFP at Philippine Coast Guard.
Ang isinusulong na panukala ay tatawaging “Free legal assistance for military and uniformed Personnel Act.
Sa ilalim ng nasabing panukala, nakapaloob ang free legal assistanct ang lahat ng stages ng civil, criminal or administrative proceedings na may kinalaman sa service-related incidents; legal advice or consultations in relation to service-related cases or incidents; preparation of pleadings, motions, memoranda, at lahat ng iba pang legal forms and documents in relation to service-related cases; and notarization of documents in relation to service-related cases.
Malinaw din sa batas na ang mga officers or uniformed personnel ng AFP, BFP, BJMP, PCG, o PNP na nabigyan ng free legal assistance ay magpapatuloy hanggang sa kanilang pag retiro sa serbisyo.