Sinimulan na ng Kongreso ay Office of the President ang pag-aayos sa guest list para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay House Sec Gen Reginald Velasco, sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang nila ang guest list ng Senado, kasama na ang guest list ng Office of the President upang maisapinal na rin ang sariling guest list ng Kamara.
Paliwanag ng opisyal na kailangang malimitahan ngayon ang bilang ng mga guest o bisita dahil sa nawalang first gallery sa plenaryo ng Mababang Kapulungan na katumbas ng 500 heads/seats.
Umaasa rin ang opisyal na mas maaga ang pagpapadala ng Senado at Office of the President upang maaga ring maisapinal ang volume ng mga bisita.
Maalalang sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos, ay kabuuang 1,360 visitors ang pinayagang personal na manood sa kanyang naging talumpati.