-- Advertisements --

Hinamon ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon ang disqualified Duterte Youth party-list nominee na si Ronald Cardema na pangalanan ang babaeng kongresista na sinasabing emisaryo ng opisyal.

Ito ang tugon ni Guanzon sa huling banat ni Cardema na nanindigang idinaan nito sa isang kongresista ang P2-milyong bayad umano para sa commissioner.

Sa isang panayam inamin ng opisyal na marami siyang kaibigan mula sa Kamara kaya kung may mapapalutang na pangalan si Cardema at dapat maghain na ito ng impeachment complaint.

Malinaw umanong nililihis ng dating National Youth Commission (NYC) head ang publiko mula sa totoong issue na disqualification dahil sa pagiging over-aged.