Manipis na raw ang tsansang mabali pa ni dating National Youth Commission (NYC) head Ronald Cardema ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagkansela sa nominasyon nito sa Duterte Youth party-list.

Ito ang kinumpirma ni Comelec commissioner Rowena Guanzon sa isang panayam sa gitna ng issue matapos hilingi ng Cardema sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na resolbahin ang kanyang apela.

Ayon kay Guanzon, wala ng saysay na maituturing ang patuloy na pagpapalutang ng kampo ni Cardema sa issue dahil malakas ang mga basehan ng diskwalipikasyon nito.

Apat na boto mula sa iba pang Comelec commissioners ang kailangang malikom ni Cardema para mabaligtad ang naunang desisyon ng 1st Division.

Pero malabo na raw na makalusot pa ang dating NYC chairman dahil dati na ring ibinasura ng 2nd Division ang registration nito sa Duterte Youth.

Para kay Guanzon, posibleng masayang lang ang slot ng Duterte Youth kung madidiin sa kaso ang lahat ng miyembro ng naturang partido.