-- Advertisements --
Maglalaan ng emergency loan ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga miyembro nito na naapektuhan sa pag-alburoto ng bulkang Mayon.
Ayon kay GSIS President and General Manager (PGM) Wick Veloso na kabilang sa mga pensioners ang makakakuha ng emergency loan mula sa kanilang tanggapan.
Ang nasabing emergency loan ay para sa mga aktibong miyembro nila na nakatira sa calamity area.
Maaring makakuha ang mga ito ng P20,000 at puwedeng pahiramin ang mga ito ng P40,000 sa mga mayroong natitirang emergency loan.
Hinikayat nito ang mga interesado na magtungo na lamang sa kanilang opisina o bisitahin ang kanilang websites.