-- Advertisements --

Kinumpirma ni GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet na isa sa kanilang empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Macasaet, babae ang naturang empleyado at may travel history sa Japan.

Unanag nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang empleyadong ito noong Marso 7 at na-admit sa San Juan de Dios Hospital noong Marso 11.

Base sa mga isinagawang test dito, lumabas na positibo ito sa COVID-19.

Tumanggi naman si Macasaet na pangalanan ang naturang empleyado.

Patuloy naman aniya ang kanilang isinasagawang contact tracing matapos na matanggap ang listahan ng mga indibidwal na nakasalamuha ng nagpositibo nilang empleyado mula Marso 7 hanggang 11.

“We have also started notifying the persons on the list and we advised them to self-quarantine and report to us if the are experiencing symptoms,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni Macasaet na kasalukuyang naka self-quarantine na rin siya dahil sa nakasalamuha naman niya ang ilang indibidwal na napabilang sa listahang ibinigay sa kanya ng nagpositibong empleyado sa COVID-19.

Dahil sa pangyayaring ito, nagdesisyon ang GSIS na ipagpatuloy ang lockdown sa kanilang building sa Pasay City hanggang Abril 15, pati na rin ang kanilang branch sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Suspendido rin ang trabaho sa kanilang branch sa Cagayan de Oro at Iligan City, matapos na makaranas ng sintomas ng COVID-19 ang ilang empleyado doon.