-- Advertisements --

Kinondina ng grupong KARAPATAN ang pagpapasawalang sala ng korte kay retired Major General Jovito Palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention with serious physical injuries.

Kasama nitong napawalang sala ay sina Master Sergeant Rizal Hilario, and brothers Michael, Marcelo, Jose, Maximo, at Roman dela Cruz
Ang nasabing kaso ay isinampa noong 2016 ng magkapatid na Raymond at Reynaldo Manalo.

Sinabi ng KARAPATAN na ang kaso ay unang ibinasura ng Malolos Regional Trial Court at ito ay pinagtibay rin ng Korte Suprema.

Sinabi pa ng grupo na nakakagalit ang desisyon na ito ng korte kung saan binalewala nila ang mga makatotohanan na pahayag ng magkapatid na Manlao.

Ang dalawa kasi ay siyang pangunahing witness sa pagdukot at pagkawala ng University of the Philippines students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.