-- Advertisements --

Suportado na ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) ang gagawing pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ng gobyerno sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni FCCCII president Henry Lim Bon Liong na kahit na marami itong natatanggap na puna ay wala na aniya silang magagawa dahil ito ay para sa ikakabuti ng taongbayan.

Umaasa ito na ang dalawang linggong lockdown ay makontrol na ng gobyerno ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Magugunitang maraming mga negosyante ang komontra sa panibagong dalawang linggong lockdown dahil apektado dito ang kanilang mga negosyo.