-- Advertisements --

Kinondena na rin ang samahan ng mga retired generals ang ginawang pambabastos at pang-aalipusta ng brodkaster na si Erwin Tulfo kay dating Philippine Army Commanding General at ngayo’y Social Welfare Sec. Rolando Joselito Bautista.

Ayon sa Association of Generals and Flag Officers (AGFO), ang ginawang pambabastos ni Tulfo kay Bautista ay nagsasaad ng maling halimbawa para sa mga susunod na henerasyon ng mga mamamahayag.

Nagbibigay din anila ito ng negatibong impresyon sa publiko hinggil sa kung paano ginagamit ng iilang media practitioners ang kanilang kalayaan sa pamamahayag o freedom of expression na kadalasa’y naaabuso na.

Hiling ng AGFO na sana gamitin ng mga mamamahayag ang press freedom ng may ibayong pananagutan.