-- Advertisements --

Pinuri ng mga grupo ng negosyante sa bansa ang naging unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr sa mga plan nito sa ekonomiya.

Ayon sa Management Association of the Philippines (MAP) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na naging detalyado at seryoso ang pangulo na maisakatuparan ang naging plano nito.

Sinabi ni PCCI president George Barcelon na ang malaking hamon ngayon ay pagtupad sa mga pangako nito na paigtingin ang agrikultura, bawasan ang utang at kahirapan sa bansa.

Humanga naman si MAP president at dating Department of Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson sa naging pahayag ni Marcos na ipagpatuloy ang mga infrastructure project ng kaniyang sinundan na administrasyon.

Nararapat na maging maingat ang Marcos administration sa pagpili ng mga proyekto na kanilang ipagpapatuloy.