-- Advertisements --

Sinulatan ng grupo ng mga negosyante ang gobyerno para tugunan ang nagiging epekto ng mataas na presyo ng asukal sa mga pangunahing bilihin.

Laman ng sulat ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president George Barcelon kay Private Sector Advisory Council strategic convenor, Sabin Aboitiz na humihiling sila ng pakikipagpulong para matalakay kung paano ang mataas na presyo ng asukal ang may negatibong epekto sa food manufacturing at processing industry.

Nanawagan sila sa gobyerno na matiyak na magkaroon ng sapat at makatarungang presyo ng asukal para ito ay maging competitive sa mga kalapit na bansa sa ASEAN o (Association of Southeast Asian Nations).

Humihiling aniya ang nasabing mga industriya ng alokasyon para ang mga local food manufacturers ay kayang makipagsabayan sa mga bansa sa ASEAN.

Sa kasalukuyan ay nasa P32 hanggang P35 kada kilo ang presyo ng mga asukal.

Base sa monitoring ng Department of Agriculture na ang presyo sa Metro Manila ay umaabot sa P86 hanggang P110 kada kilo ng refined sugar, P82 kada kilo hanggang P95 per kilo sa mga washed sugar at P78 per kio hanggang P95 per kilo ang brown sugar.