Hiniling ng grupo ng mga magmamanok sa gobyerno na magpatupad ng pansamantalang pagtigil ng pagpapalabas ng import permits para sa mga manok.
Ito ay dahil sa nakakaranas ang bansa ng labis na suplay ng karne ng manok sa mga pamilihan.
Ayon sa Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na ang pagtigil sa mga pagbibigay ng chicken imports ay para masuportahan ang mga local producers.
Sinabi ni Edicio dela Torre ang pangulo ng grupo na nararapat lamang ang nasabing hakbang para hindi magkaroon ng oversupply ng mga karne ng manok sa bansa.
Una ng sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) executive director Jayson Cainglet, na maaaring ipatupad ang hakbang hindi lamang sa mga karne ng manok at maging sa mga anumang produkto kapag mayroong mataas na suplay nito.