-- Advertisements --
Isinisi ng Philippine Egg Board ang pagtaas ng presyo ng mga feeds kaya napipilitan silang itaas ang presyo ng mga itlog.
Sinabi ni Philippine Egg Board chairman Gregorio San Diego na mula sa dating P14 hanggang P16 ng kada kilo ng feeds ay umaabot na ito ngayon ng P25 sa kada kilo.
Ang average farmgate price ng mga itlog ngayon ay P7.10 na ang pinakamataas ay sa Ilocos region na aabot na ngayon sa P7.83.
Tanging solusyon aniya para mapababa ang nasabing presyo ng itlog ay pababain ang presyo ng mga feeds.










