-- Advertisements --

Umaasa ang grupo ng mga health workers na mapakinggan ng gobyerno ang kanilang panawagan sa isinagawa nilang kilos protesta.

Pinangunahan ito ng Alliance of Health Workers na mula sa Philippine Heart Center (PHC) National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Lung Center of the Philippines (LCP) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang kilos protesta.

Ipinananawagan nila ang taas sahod ng mga hospital workers at ang pagpapalabas na ng COVID-19 health emergency allowance.

Binatikos din nitl ang pagbawas sa budget ng mga pagamutan kung saan makakaapekto umano dito ang mga serbisyo na ibinibigay ng mga pagamutan.

Magugunitang una binatikos ng grupo ang ilang bilyong halaga ng mga gamot na nasayang at hindi naipamahagi base na rin sa ulat na inilabas ng Commission on Audit.