-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakiusap ang grupo ng mga mga guro na bigyan pa sila ng tamang panahon para makapagpahinga ng maayos at mapaghandaan ng husto para sa pagpapatupad ng face to face classes ngayong Nobyembre.

Ayon kay Benjo Basas ang chairperson ng Teacher’s Dignity Coalition, hindi pa nakapagpahinga ng maayos ang karamihan ng mga guro dahil kakatapos lamang ng school year 2021-2022 noong Hunyo 24 nitong kasalukuyan, sa katunayan ay karamihan umano sa mga guro ay nagtatrabaho parin hanggang ngayon.

Bagama’t handa naman silang tumugon sa panawagan ng DepEd para sa pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Agosto, subalit nais nito na makipag dayalogo sa nasabing departamento ng sa gayon ay mapakinggan naman ang kanilang hinaing bilang guro.

Dagdag pa nito na iilan sa mga kakaharaping suliranin ng administrasyon sa plano nitong in person classes ay ang kakulangan ng guro at silid aralin sa pagpapatupad naman ng health protocol.

Base sa Congressional Policy and Budget Research Department sa taong 2021 aabot sa 33,260 ang Ang kabuong bakanteng posisyon ng mga guro.

Sa Fiscal Year of 2020 naglaan ng P1.82 billion ang Departamento upang punan Ang kulang na 10,000 teacher noong taong 2021, samantala domoble naman ang budget ngayong 2022 kung saan umabot sa P2.58 billion ang budget na inilaan para sa karagdagang sahod base na sa panibagong tranche ng Salary Standardization Law.