-- Advertisements --
Ikinagalak ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) ang ginawang pag-apruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa pagpapalawig ng tax breaks sa mga electric vehicles sa bansa.
Sinabi ni EVAP President Edmund Araga na dahil dito ay mas lalago pa ang industriya ng electric vehicles sa bansa.
Kasama na rin dito ay mas marami pa silang ma-eenganyo na mga tao na lumipat na lamang sa paggamit ng mga EV.
Makakaapekto naman ang pagpapalawig ng zero tariff sa hybrid cars sa bentahan ng mga EV sa bansa.
Base kasi sa kanilang pagtaya ay maraming mga hybrid cars ang naibenta kumpara sa EV kahit na ito tumaas ang benta.