-- Advertisements --

Tiwala ang grupo ng mga employers sa bansa na magkakaroon ng malaking improvements ang employment sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr, na mayroong pagtaas ng bilang ng mga magkakatrabaho.

Nagkaroon lamang ng pagbagal ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakatrabaho dahil sa nahuhuli ang Pilipinas na buksan ang ekomoniya kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asya na niluwagan na nila ang COVID-19 health protocols.

Magugunitang noong Oktubre ay iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas ng bilang ng mga may trabaho sa bansa.