Tutol ang grupo na binubuo ng mga lokal na pamahalaan sa anumang hakbang para ihiwalay ang anumang rehiyon kabilang Mindanao mula sa Pilipinas.
Kaugnay nito, hinikayat ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang publiko na magkaisa upang makamit ang isang inklusibo at tuluy-tuloy na kaunlaran sa bansa.
Ayon kay ULAP national president Quirino Gov. Dakila Cua na naniniwala silang ang buong bansa kabilang ang Mindanao na may mayamang likas na yaman at untapped potential, ay maaaring lumago pa sa pamamagitan ng pagtutulungan at kolektibong mga hakbang.
Binigyang diin din pa ng opisyal ang kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad ng teritoryo ng bansa kaakibat ang pagkilala at pagbubunyi sa diverse local at regional identities nito kabilang na ang Mindanao.
Nagpahayag din ng suporta ang League of Cities of the Philippines (LCP) para sa nagkakaisa at hindi nagkakawatak-watak na PH.
Nagpahayag din ng pagtutol ang League of Provinces of the Philippines sa panukalang ihiwalay ang Mindano mula nalalabing lugar ng bansa.