Muling inaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa Parañaque City matapos mahulihan ng mga iligal na pampasabog at baril na nauna nang na link sa unang pamilya dahil sa pagpapanggap umano ng mga ito na may koneksyon sa Pamilya ng mga Marcos
Ayon kay P/Brigadier General Eleazar Mata ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), nakuha mula sa sasakyan ng mga suspek ang C-4 explosive, mga baril, bala, kutsilyo, handcuffs, at mga bulletproof vests.
Nahuli ang mga suspek matapos hindi makapagpakita ng mga tamang dokumento at magpanggap na miyembro ng Office of the President.
Inihain sa kanila ang mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), RA 9516 (Unlawful Possession of Explosives), at iba pa.
Nabatid na dati na silang naaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa pekeng ugnayan sa pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samamantala inaanyayahan ng mga awtoridad ang sinumang nabiktima ng mga suspek na magsampa ng kaukulang kaso.