-- Advertisements --

Nanawagan ang rights group sa FIFA na pagbawalan ang Iran na makasali sa World Cup.

Ito ay matapos na hindi payagan ang mga kababaihan na manood ng mga football match sa Iran.

Ayo sa grupong Open Stadiums na bakit pinapayagan ang Irans na makasali sa torneo habang ang mga kababaihan ay nananatiling nakakulong sa isang stadium.

Sinulatan ng grupo si FIFA president Gianni Infantino para payagan na ang kababaihan na manood ng mga football matches.

Nakasaad sa sulat na ang pagbabawal sa mga kababaihan sa laro ay labag sa international football rules.