Ilang araw bago ang nakatakdang balik-eskwela, nagbigay babala ngayon ang grupong Ecowaste Coalition laban sa mga nagkalat na rain coat o mga kapote, na maaaring ipagamit sa mga bata.
Ayon sa grupo, nadiskubre nila na may mga ibinebentang plastic na kapote na gawa sa nakakalasong kemikal, at ang mga ito ay nailabas na sa mga merkado sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Tinukoy ng grupo ang mga kapote na gawa sa PVC plastic na umanoy may mataas na cadmium content. Ang nasabing kemikal ay dalikado kapag nailapit sa mga bata.
Ayon sa Grupo, ang matagal na pagkakalapit ng mga bata sa Cadmium ay maaaring magrulot ng malalang sakit, katulad ng cancer.
Isa umano sa mga palatandaan dito ay kung may matapang na amoy ang mga nabibiling kapote.
maliban sa mga kapote, hinikayat din ng grupo ang publiko na suriing mabuti ang iba pang gamit ng mga bata, kasabay ng papalapit na pasukan.
Kinabibilangan ito ng mga plastic na kagamitan katulad ng pencil case, at iba pa, lalo na at tiyak ang magiging exposure ng mga ito sa kanilang mga gamit sa pag-aaral.