Wala ng access sa Facebook ang grupo na may milyong miyembro sa Thailand dahil sa pagiging kritiko sa kanilang hari.
Una nang nagbanta ang gobyerno na kakasuhan nila ito.
Kung maaalala itinuturing na iligal sa Thailand ang pambabatikos sa monarkiya.
Nitong mga nakalipas na araw ay naging sentro ang bansa ng mga anti-government protests kabilang na ang panawagan na magkaroon ng reporma sa monarkiya.
Ipinatupad ang pag-ban sa access sa Thailand sa “Royalist Marketplace” page kagabi.
Gayunman, puwede pa ring ma-access ang page sa labas ng Thailand.
Ayon sa admin ng grupo na Pavin Chachavalpongpun, mahigit sa isang milyon ang kanilang miyembro dahil sa pagiging popolar nito.
Si Chachavalpongpun na isang academician ay naka-self-exile sa Japan.
Samantala isa namang bagong Facebook group ang binuo muli kagabi sa Thailand at agad na nakahatak ng 400,000 followers over night.