Sinibak ng Washington Wizards ang kanilang presidenteng si Ernie Grunfeld matapos ang paglilingkod nito sa team sa loob ng 16 season.

Inanunsyo ito ng Wizards kasabay ng nakakadismayang performance ng team, na natanggal pa mula sa playoff contention.

“We did not meet our stated goals of qualifying for the playoffs this season and, despite playing with injuries to several key players, we have a culture of accountability and a responsibility of managing to positive outcomes,” pahayag ni team owner Ted Leonsis sa isang news release.

“I wish to thank Ernie for his service to the Washington Wizards. He and his family have been great leaders in our community and have worked tirelessly to make us a top NBA franchise.”

Sa ngayon, ibibigay muna ang kay Tommy Sheppard, senior vice president of basketball operations, ang pangangasiwa sa mga isyung may kaugnayan sa basketball.