CAGAYAN DE ORO CITY – Isinusulong ngayon ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonton Adiong na maisalalim sa isang rebyo ang nakapagsunduan na ‘peace mechanism’ sa pagitan ng Philippine government at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa mas mapayapa na lipunan ng mga taga- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inilahad ito ng kongresista upang hindi na maulit na mayroon pang local elected government official mula sa rehiyon ang pagtangkaan ang buhay katulad sa nangyari kay ambush survivor Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr sa bayan ng Maguing noong petsa 17 ng Pebrero 2023.
Sinabi ni Adiong na dapat ay manumbalik ang ilang mga hakbang pang-seguridad sa kapwa mga Kristiyano at Muslims katulad na lang na mapanumbalik ang puwersa ng militar at MILF sa bahagi ng Maguing road upang mas ligtas ang mga gustong pumasok at lumabas sa Bangsamoro region.
Pagpapaliwanag pa nito na sana hindi pahintulutan ng gobyerno na tuluyang mabalewala ang malaking sakripisyo ng kanilang mga unang naging pinuno makamtan lamang ag matagal na kapayapaan para sa taga-Mindanao.
Magugunitang nang ma-ambush ang convoy ng gobernador ay patay agad ang apat sa kanyang security escorts sa pinangyarihan ng kremin.
Bagamat naisampa na ang kasong multiple murder at multiple frustrated murder sa piskalya ng Marawi City laban sa tatlong tukoy na ambush respondents at may ilang iba pa na umano’y kasapi ng ilegal drug syndicate sa bayan ng Maguing.