-- Advertisements --
WORLD EVENING

Ibinaba ng World Bank ang growth forecast nito para sa Pilipinas, sa gitna pa rin ng pag-angat ng inflation at ang mahinang ‘global environment’ nito.

Batay sa East Asia and Pacific October 2023 Economic Update report nito, ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon ay inaasahang aangat ng hanggang 5.6% habang 5.8% naman sa susunod na taon.

Ang mababang 5.6% ay dahil na rin, ayon sa World bank, sa nananatiling mabilis na inflation at mahinang financial conditions ng bansa.

Ang 5.6% ay mas mababa kumpara sa 6% na prediction ng World Bank nooong Hunyo ng kasalukuyang taon habang 5.9% sa susunod na taon.

Ang projection ng World bank ay mas mababa kumpara sa growth assumption ng Pilipinas para sa 2023.

Target kasi ng pamahalaan ang anim hanggang sa pitong porsyento para sa kasalukuyang taon.

Sa kabila nito, nananatili namang hawak ng Pilipinas ang pinakamataas na growth projection kumpara sa iba pang ASEAN countries, batay pa rin sa naturang report.