-- Advertisements --

Pinalitan ang ground commander ng dolomite beach sa Manila Bay kasunod nang pagpunta ng maraming mga tao sa lugar, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, papalitan ni Reuel Sorilla si Director Jacob Meimban Jr. bilang ground commander ng lugar.

Si Sorilla ay kasalukuyang Director for the Environmental Law Enforcement and Protection Service ng kagawaran.

Iginiit ni Cimatu bilang commander, responsibilidad ni Meimban ang nangyari sa white sand area ng Manila Bay sa nakalipas na dalawang linggo.

Kasabay nito ay sinabi ng kalihim na kailangan maimbestigahan pa rin ang naturang mga pangyayari.

Nabatid na sa nakalipas na dalawang linggo ay hindi nasunod ang health protocols tulad ng social distancing bunsod nang pagdagsa ng libu-libong katao sa lugar.

Ilan sa mga eksperto ang nagsabi na ang pagpunta ng napakaraming tao noon lamang Linggo ay maaring maging venue para sa super spreader events.